Nakakuha ng inspirasyon sa muli nilang pagkikita makalipas ang mahigit isang dekadang pagkawalay sa ina, nagposte ng game-high 31 puntos ang league back-to-back MVP na si Grethcel Soltones para pangunahan ang San Sebastian College sa 25-22, 25-19, 26-28, 25-23, paggapi sa College of St. Benilde at maipuwersa ang deciding game sa Huwebes sa NCAA Season 91 volleyball tournament finals sa San Juan Arena noong Martes ng gabi.

Muling nakita at nakasama ang inang si Marilyn Mollena na 13 taon ding nawalay sa kanya, ang luhang dumaloy sa pisngi ni Soltones nang kanyang tanggapin ang ikalawang MVP award ay napalitan ng ngiti matapos ang laro.

Nakita rin sa nasabing laro ang matagal ng suportang hinahanap mula sa mga kakampi ni Soltones matapos mag-ambag ng 11 puntos ni Katherine Villegas, tig-8 puntos sina Nika Dalisay at Joyce Sta.Rita at 6 na puntos mula kina Denice Lim at Dangie Encarnacion.

Nauna rito, bumalikwas ang University of Perpetual Help mula sa 6 na puntos na pagkakaiwan sa decider set (5-11), upang agawin ang korona sa dating men’s champion Emilio Aguinaldo College,25-22, 23-25, 29-27, 22-25, 17-15.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nagsalansan si Finals MVP Rey Taneo, Jr. at team captain Bonjomar Castel ng tig-18 puntos habang nagdagdag sina Relan Taneo at Manuel Doliente ng tig-11 puntos para pamunuan ang nasabing tagumpay ng Altas.

Ang panalo ang ika-11 pangkalahatan ng Perpetual sa liga bilang ikalawang most winningest squad kasunod ng event host Letran na may 14.

“Nothing is impossible if you really want to win. I told them forget the score, forget everything and just play.

Even if they are one point away, just continue fighting,” ayon kay Perpetual Help coach Sammy Acaylar .

“And I’m happy they showed the way we play Perpetual Help volleyball, with heart,” dgadag nito.

Nagtala ng 28 puntos ang nagwaging back-to-back MVP na si Howard Mojica, ngunit hindi sapat ang kanyang ginawa upang makamit ng Generals ang target nilang ikalawang sunod na titulo. (Marivic Awitan)