aquino_pia_01_vinas_260116 copy

INAMIN ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach na broken-hearted siya bago lumaban sa pinakaprestihiyosong beauty pageant.

“I didn’t have a boyfriend before the competition, although I thought I was seeing somebody but I wasn’t,” sabi ni Pia.

“See, kahit Miss Universe ka puwede ka pa rin masawi,” dugtong pa niya. “I wanna focus on the organization. But when I fall in love, I tend to give everything.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ilang buwan bago siya lumaban sa paligsahan sa Las Vegas, Nevada noong Disyembre 2015, si Pia ay iniuugnay kay Pangulong Benigno Aquino III. Ngunit sinabi ni Pia na magkaibigan lamang sila ni PNoy.

Naunang sinabi ng TV host-actress na si Kris Aquino, kapatid ni Pangulong Noynoy, na hanga siya kay Pia. At sa tingin niya ay walang gusto ang beauty queen sa kanyang kuya.

Sinabi rin ni Pia na pinadalhan siya ng Pangulo ng bulaklak bilang “good luck” sa Miss Universe contest.

“This is my boyfriend,” sabi ni Pia sabay haplos sa kanyang $300,000 Miss Universe crown.

Sinabi rin ni Pia na nais niyang maging bida sa isang teleserye pagkatapos ng kanyang reign kapag binigyan ng pagkakataon.

Nang tanungin kung sino ang nais niyang maging leading man, sumagot ang Filipino-German beauty queen na, “I haven’t thought about it.”

Ngunit sinabi niya na ang susunod niyang pangarap ay ang maging susunod na Bond Girl.

Umaasa rin siya na ang kanyang istorya ay maging inspirasyon ng mga tao.

“My story has become a story of determination, discipline, faith and hard work. Even after the Miss Universe, I hope people learn these lessons from me. You’ll never know, it could happen to you,” ani Pia. (ROBERT REQUINTINA)