xavi, john at jana copy

ANG suwerte ng mga batang artistang nakakasama ni Sylvia Sanchez sa teleserye dahil kapag nangingibang-bansa sila ay isinasama niya dahil hinihiling ng bunsong anak niyang si Xavi tulad nina Jana Agoncillo aka Ningning at John Steven de Guzman alias Mac Mac.

Noong kasagsagan naman ng Be Careful With My Heart ay si JM Ibañez o Cho ang kasama sa lahat ng lakad dahil gusto ng anak ni Ibyang.

“Kapag tapings ko kasi, isinasama ko si Xavi o kaya pinapupunta ko lalo na kapag ilang araw ko siyang hindi nakikita, kasi umuuwi ako nasa school na silang lahat, pagdating naman nila, nakaalis na ulit ako for taping.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“So para makita ko ang mga anak ko lalo na si Xavi, pinapupunta ko at hayun, nakakalaro niya sa set sina JM noon at ngayon sina Josh at Jana.

At nitong biyahe nila sa Singapore, hiniling ni Xavi na isama ang mga kalaro niya.

“Iba ‘yung saya na nakikita ko kay Xavi kapag kasama niya sina Jana at Josh, hindi ‘yun mapapalitan ng materyal na bagay, Reggs. At saka gusto ko rin talaga sina Jana at Josh, pati nga si Ria (Atayde), babies niya sila, kasi mga estudyante niya sila, di ba?” kuwento ni Ibyang via private chat at kasalukuyan silang namamasyal sa Sentosa Island.

English speaking si Xavi at hindi marunong umintindi ng Tagalog, nagkakaintindihan ba sila nina Ningning at Mac Mac?

“Oo, nag-i-English sina Jana and Josh kay Xavi, nagpapaturo sila mag-English at tinuturuan din nila si Xavi.

Nagkakaintindihan naman, cute nga mag-usap ang tatlo,” sabi ni Ibyang.

Tiningnan namin ang mga litratong magkakasama ang tatlong bagets sa Singapore at kitang-kitang masaya talaga sila.

“Ang gandang tingnan nilang tatlo, Reggs. Sinasamantala ko na habang maliit pa si Xavi kasi ‘kita mo nga, ilang taon lang, ang lalaki na nina Gela, Ria at Arjo, hindi ko na sila puwedeng basta isama o yakap-yakapin kasi may mga kanya-kanyang lakad na.

“Kaya kapag libre ang schedule nina Ria at Arjo, talagang hinihiling ko na sumama sila sa amin. Kaya sinasamantala ko talaga habang bata pa si Xavi,” katwiran ni Ibyang.

Samantala, pagkatapos ng Ningning ay may offer uling serye si Sylvia at pinag-iisipan pa niya dahil mabait na naman ang papel niya.

“Gusto ko sana, iba naman ang papel ko, sana maldita naman para maiba, ‘yung matsa-challenge akong gawin, ha-ha-ha,” sabi ng aktres. (Reggee Bonoan)