JAMES AT NADINE copy copy

NAKAKAINTRIGA ang paraan ng pagpo-promote ni James Reid ng Yes! magazine sa Instagram dahil parang may banta.

Ang caption kasi sa post niya, “Grab your copy of Yes! Magazine’s February issue now! This might be the last... I can’t agree with what’s written, but there are lots of new photos of Nadine and I. And for the record I’m not dating anyone at the moment.”

Inalmahan daw ni James ang nasulat na nagdi-date sila ni Julia Barretto na ipinag-react ng JaDine fans. Kaya hayun, kung masusunod si James at kung tama ang basa namin sa post niya, baka hindi na siya pumayag magpa-interview sa nasabing magasin.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Anyway, matatapos na ang On The Wings Of Love pero may concert ang JaDine sa February 20 na inaabangan na ng kanilang fans. Inihahanda na rin ng Viva Films ang next movie nila, kaya hindi sila mami-miss ng kanilang fans.

(Nitz Miralles)