WASHINGTON (Reuters) — Pinalawak ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang travel warning nito sa walo pang mga bansa o teritoryo na may panganib ng infection sa Zika, isang mosquito-borne virus na kumakalat sa Caribbean at Latin America.

Sa babala noong Biyernes, idinagdag ang Barbados, Bolivia, Ecuador, Guadeloupe, Guyana, Cape Verde, Samoa at ang isla ng Saint Martin sa listahan ng 14 bansa at teritoryo.

Nagbabala ang CDC sa mga buntis na huwag bumiyahe sa mga lugar na ito dahil ang Zika ay pinaghihinalaang nagdudulot ng birth defects. Ang Zika virus ay isinasalin ng lamok na Aedes aegypti, na nagdadala rin ng dengue, yellow fever at Chikungunya virus. Wala pang bakuna para rito.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'