Walang aasahang pagbaba sa presyo ng mga bilihin sa kabila ng patuloy na pagbaba sa presyo ng langis.
Ito ay matapos umapela ang mga negosyante at manufacturer sa Department of Trade and Industry (DTI) na suriin munang mabuti ang mga batayan para sa hirit na rollback sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
Iginiit nila sa DTI na kailangan ang panibagong pagkukuwenta o “recomputation” sa presyo ng bilihin batay sa itinakdang suggested retail price (SRP) lalo na’t maliit lamang na porsiyento ang epekto ng oil price rollback sa produksiyon at nananatiling mataas ang halaga ng raw materials. Malaki rin ang epekto ng matinding traffic sa Metro Manila na nagpapabagal sa kanilang operasyon.
Kinumpirma ni DTI Secretary Adrian Cristobal Jr. na magpapatuloy ang diyalogo. (Bella Gamotea)