Binuweltahan ng mga kaanak ng isang drug addict ang isang babaeng police asset nang pagsasaksakin ito dahil sa pagpapakulong sa una sa Pasay City, noong Sabado.

Nagpapagaling ngayon sa Pasay City General Hospital si Concesa Gamboa, 58, residente ng Tramo, Barangay 43, Pasay City, dahil sa tinamong saksak sa likod at kilikili.

Ayon sa imbestigasyon, bumibili ng sigarilyo si Gamboa sa isang tindahan nang lapitan ito at biglang pagsasaksakin ng mag-amang sina Rico at Carlo Macanib gamit ang ice pick.

Nang tangkaing isalba si Gamboa ng kapitbahay niyang si Jan Gilbert Eusebio, 29, biglang sumulpot ang dalawa pang kasamahan ng mag-amang Macanib, na nakilalang sina Banjo Macanib at John Rafael Tulipat, at pinagsasaksak ang huli.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Napag-alaman ng pulisya na si Gamboa ang nagbigay ng impormasyon sa pulisya sa kinaroroonan ni Marilou Macanib, maybahay ni Rico at ina ni Carlo, na kilalang drug personality sa kanilang komunidad, na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Naglunsad na ng manhunt operation ang Pasay City Police laban sa apat na suspek. (Martin A. Sadongdong)