Erich, Daniel at Korina copy

KILIG na kilig si Korina Sanchez-Roxas nang makapanayam ang real life sweethearts na sina Daniel Matsunaga at Erich Gonzales noong nakaraang Linggo na ipinalabas sa Rated K para sa promo ng bago nilang palabas na Be My Lady na matagumpay na nag-pilot nitong nakaraang linggo sa ABS-CBN.

Naikuwento ng magkasintahan kung paano sila nagkaligawan at napamahal sa isa’t isa. Ibinida rin ni Daniel na “all-around guy” siya at pati maglaba at magluto ay marunong siya.

“Perfect boyfriend ako,” pabirong sinabi ng Brazilian-Japanese model/actor.

Lifehacks

Feeling tagapagmana ng kompanya? Ilang tips para hindi 'overworked' sa trabaho

Hindi tuloy naiwasan ni Korina na maalala rin ang ligawan nila ng asawang si Mar Roxas habang pinapakinggan ang mga kuwento nina Daniel at Erich.

Sa kanyang Instagram account, naikuwento ni Korina ang muli niyang pagbisita sa Carlyle Hotel sa New York City matapos ang ilang taon, noong mapakanayam niya si Pia Wurtzbach. Ayon kay Korina, sa Carlyle Hotel sila unang nag-date ni Mar noong 2001 nang kapwa sila on official duty sa presidential state visit sa Big Apple. (ADOR SALUTA)