VINA copy

SA masayang pakikipagkuwentuhan kay Vina Morales namin napag-alaman na one month na pala silang mag-on ng kanyang non-showbiz boyfriend na ayaw niyang pangalanan.

“Huwag na kasi hindi naman siya showbiz, ang importante, masaya ako di ba?” sabi ng singer-actress.

Ang current boyfriend na hindi nalalayo sa kanyang edad ay nakilala niya sa pamamagitan ng kanilang common friend.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

“May dinaluhan kasi akong party and then ipinakilala siya sa akin ng isang friend ko na friend din niya.”

Doon nagsimula ang magandang kuwento ng bagong buhay pag-ibig niya. Tanggap na tanggap ng kanyang pamilya ang guy.

“Ang importante lang naman talaga dito kung talagang mahal ka ng isang tao dapat mahal din niya kung sino ang mahal mol.”

Hindi naman daw siya nahirapang ipaliwanag ang kanyang bagong sitwasyon sa kanyang anak na si Ceana, na aniya’y mabait na at matalinong bata. Bukod sa malambing at mahilig din sa bata ang boyfriend niya.

Kaya naman close ang bagets sa kanyang non-showbiz boyfriend.

“Almost seven years din akong single as in wala talagang lovelife. And now siyempre may nagpapasaya na sa akin ngayon, mare.”

Bachelor at walang sabit sa buhay ang kasalukuyang pag-ibig ni Vina. At sana nga raw ay ito na ang lalaking maghahatid sa kanya sa harap ng altar. “Siyempre naman kahit sinong babae nangangarap ng church wedding at makapagsuot ng wedding gown,” nakangiting sabi niya.

Pero hindi pa sila nagtatagal, kaya hindi pa ganoon kasigurado ang singer-actress kung ito na ang lalaking masasabihan niya ng “I do”.

Sa ngayon, wala na raw mahihiling pa si Vina sa non-showbiz boyfriend na bukod sa mabait, magalang at binatang tunay ay may marangal na hanapbuhay.

“Siyempre kung pipili lang din naman ako dapat ‘yung kaya akong buhayin at kaya niyang magdala ng isang pamilya.”

Hindi lang lovelife ang bongga kay Vina kundi maging ang kanyang showbiz career. Bukod sa soap opera sa Channel 2 ay abala rin siya sa recording ng kanyang bagong album.

“Matagal na rin akong walang album. This year kung papalarin sana mai-release at matapos na namin ‘yung album na sinimulan naming gawin last year.”

Tapos nang i-record ang carrier single, na original song.

“As far as I know, dalawang revival ang kasama at lahat na ay puro original song.”

Bukod sa album ay nagpaplano rin si Vina na magkaroon ng concert na matagal na rin niyang hindi nagagawa.

“Nakaka-miss ‘yung ganu’n. Siyemdre from the beginning singer naman talaga ako. Sa pagkanta talaga ako nagsimula. At kapag gusto mo talaga ang ginagawa mo, mami-miss mo ‘pag years mo nang hindi nagagawa.”

Naipapakita naman ni Vina ang kanyang talent sa ASAP every Sunday pero iba pa rin ‘yung magkaroon ng sariling concert at makapag-release ng album.

“’Yun ang plano ko this year at sana matupad lahat,” nakangiti pang sabi ng aming kausap. (MORLY OLINO)