Patuloy ang pag-arangkada ng Filipino-American netter na si Treat Huey at dating world number one doubles netter na si Max Mirnyi ng Belarus sa ginaganap na Australian Open, makaraang umusad ng kanilang tambalan sa third round ng season opening Grand slam event sa Melbourne.

Sina Huey at Mirnyi, na may ranggong pang-14 sa torneo, ay nakabawi sa kanilang natamong first set na kabiguan sa kamay ng Brazilian tandem nina Thomaz Belluci at Marcelo Demoliner, 5-7, 7-6, (4),6-4 sa kanilang second round match na inabot ng dalawang oras.

Quarterfinalist sa US Open at nakaraang Australian Open, si Huey at si Mirnyi, 10- time Grand Slam titlist at 2012 Mixed doubles gold medalist, ay nakatakdang sumabak kontra kina Rohan Bopana ng India at Florin Mergea ng Romania na No.4 seed naman sa torneo para sa tangka nilang pag-usad sa round of 8.

Naunang ginapi nina Huey at Mirnyi, 7-6, 4-6, 7-6 , sina Aliaksandr Bury ng Belarus at Denis Istomin ng Uzbekistanpara makausad sa second round.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA