Sam copy copy

DAHIL dalawa ang nilalagareng teleserye ngayon ni Sam Milby ay hindi siya makakasama sa ibang shows kasama sina Piolo Pascual, Darren Espanto at Pokwang na may titulong Heartthrobs.

 

Matatandaang anim na taong nag-world tour ang Heartthrobs na nahinto dalawang taon na ang nakararaan dahil naging busy sina Piolo at Sam.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Sa mga taga-Temecula, California ay mapapanood ang Heartthrobs sa Pechanga Resort & Casino na may titulong Heartthrobs Reloaded Live! Sa Marso 26 at 27, 2016.

 

Magkasama sina Sam at Piolo sa seryeng Written In Our Stars samantalang may Doble Kara ang una kasama si Julia Montes at ang huli naman ay may pelikulang gagawin kasama sina Dawn Zulueta at Coleen Garcia sa Star Cinema.

 

Bukod sa dalawang seryeng ginagawa ay abala rin si Sam sa recording ng bagong album niya under Star Music.

 

Limang taon na ang nakararaan simula nang i-release ang huling album ni Sam na may titulong Be Mine kaya excited ang singer/actor sa bago niyang album.

 

Kasama sa bagong album ni Sam ang Tunay Na Pag-Ibig na isa sa mga naririnig sa seryeng Doble Kara.

 

Samantala, sa Australia nagdiwang ng Bagong Taon ang singer/actor kasama ang kanyang buong pamilya. Ang tsikang nakarating samin, dinala roon ni Sam ang pamilya para personal na makilala ang pamilya rin ng napapabalitang special friend niyang si Mari Jasmine.

Kung sa tradisyon nating mga Pilipino, parang pamamanhikan na yata ito, di ba?

 

Sinulat namin last year na taga-Sydney, Australia si Mari Jasmine na dito sa Pilipinas naglalagi dahil isa siya sa hosts ng programang Etcetera sa ETC Channel. Blogger at model din ang dalaga.

 

Sitsit sa amin, pilit na itinatago ni Sam ang lovelife niya dahil pribadong tao raw ang babaeng espesyal sa puso niya.

 

Pero ang Samuel Milby supporters ay naghihintay kung ano na ang update sa buhay pag-ibig niya. (REGGEE BOBOAN)