ATHENS (Reuters) – Nasa 43 katao, kabilang ang 17 bata, ang nalunod makaraang tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa labas ng Greek islands, malapit sa baybayin ng Turkey nitong Biyernes, ayon sa coastguard.

Ayon sa pahayag ng mga nakaligtas, dose-dosena ang sakay sa bangkang gawa sa kahoy na tumaob sa Kalolimnos, isang maliit na isla sa Aegean Sea malapit sa baybayin ng Turkey, ayon sa coastguard official.

“They weren’t wearing life jackets, I don’t understand. They couldn’t swim,” sinabi ni Michalis, isang mangingisda, sa Reuters.

Iniligtas ni Michalis ang tatlong migrante ngunit isa sa kanila, isang 50-anyos na lalaki, ang namatay kalaunan habang lulan sa maliit niyang bangkang pangisda. “The hospital is now full of dead people.”

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'