Bunsod ng patuloy na pagbaba ng presyo ng gasolina, nagpatupad ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng provisional fare na P7.00 para sa mga pampasaherong jeep sa Metro Manila, Central Luzon at Southern Tagalog region mula sa dating P7.50.

Ayon sa LTFRB, ito ay matapos boluntaryong hilingin ng iba’t ibang transport groups tulad ng Alliance of Concerned Transport Operators (ACTO), Federation of Jeepney Operators and Drivers’ Association of the Philippines (FEJODAP), at Pasang Masda ang pagbababa ng pasahe dahil sa pagbulusok ng presyo ng krudo.

“What made us decide on the fare reduction? The clamor of the public to reduce fares and the unity among jeepney operators and associations encouraged us to implement the fare rolleback, which would be implemented upon publication of the order,” pahayag ni LTFRB board member Ariel Inton.

Sinabi ni LTFRB Chairman Atty. Winston Ginez na ilalathala nila ang bagong pasahe sa jeep bukas.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Ikinatuwa naman ng mga commuter ang pagtapyas sa pasahe sa jeep.

“Maraming madaya, kunyari wala daw sila sukli tapos sinasabi magbayad nalang kami ng sakto sa susunod,” ayon kay Kate Mulato, 24-anyos na sales executive. (Czarina Nicole O. Ong)