COLEEN copy

FINALLY, nagsalita na si Coleen Garcia na talagang wala na siya sa It’s Showtime dahil magko-concentrate raw siya sa acting career niya ngayong 2016.

Matatandaang sinulat namin last weekend na tinanggal na si Coleen sa Showtime sa maraming kadahilanan. Sa panayam ni Gretchen Fullido ng TV Patrol, umamin na ang girlfriend ni Billy Crawford na hindi na siya babalik sa Showtime pagkatapos ng bakasyon niya sa ibang bansa.

Sinabihan daw siya ng ABS-CBN management na mag-focus sa acting career niya lalo’t kasama siya sa pelikula nina Piolo Pascual at Dawn Zulueta na nakatakdang ipalabas ngayong taon.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“Actually, I was barely ever there during the entire second half of 2015,” paliwanag ni Coleen. “I don’t think I’ll be returning. Management talked to me and they want me to focus on acting.”

Naging box office hit at maganda ang feedback ng launching movie ni Coleen sa Star Cinema na Ex With Benefits na idinirek ni Gino M. Santos kaya pinangakuan siyang may kasunod ito at tinotooo naman dahil nga kasama siya sa Piolo at Dawn movie na same director din. Binanggit din ni Coleen na gaganap siya bilang batang socialite at karelasyon si Piolo.

“Iyong characters namin ay within the lifestyle today. I’m a socialite, while Piolo is a DJ. He’s really going to learn how to spin. Dawn is a fashion designer so somehow our characters will cross paths,” kuwento ng dalaga sa TV Patrol.

Tinanong din si Coleen tungkol sa relasyon nila ni Billy at kung kailan sila magpapakasal.

“I know I’m ending up with Billy pero siguro huwag muna magpakasal this year. We talk about it naman, eh. I know it’s going to happen, just not yet,” sagot ng dalaga. (Reggee Bonoan)