CLAUDINE copy

NOONG 2008 pa huling nagkatrabaho sina Claudine Barretto at Diether Ocampo, sa pelikulang Iisa Pa Lamang ng Star Cinema. At sa loob ng pitong taon, ngayon lang uli sila magtatambal sa remake ng pelikulang Bakit Manipis Ang Ulap ni Danny Zialcita under Viva Entertainment for TV5.

Sa press launch ng teledrama, tinanong si Diet kung ano ang naramdaman niya nang malaman niyang muli silang magtatambal ni Claudine, hindi ba siya nahirapang magdesisyon na tanggapin ang offer ng Viva-TV5 sa balitang unprofessional si Clau sa trabaho?

“I’m very excited nang malaman kong siya ang makakatrabaho ko,” sabi ni Diet. “Matagal man kaming hindi nagkakausap ni Claudine, naroon pa rin ang friendship. Ngayong magkatrabaho na muli kami, napatunayan kong hindi totoo ang sinasabi nilang unprofessional siya, tuluy-tuloy ang trabaho namin.”

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Totoo nga bang may usapan sila na after 35 years kung wala pa rin silang asawa, sila na lamang ang magsasama for companionship?

“Wala namang problema dahil mutual understanding namin iyon, we have high respect for each other. Matagal na kaming hindi nagkikita o nagkakausap, marami na rin kaming pinagdaanan, pero kapag muli kaming nagkita, hindi pa rin naapektuhan ang work namin, parang lagi pa rin kaming magkasama. Tama ang sabi ni Claudine, mag-soulmate kami.”

Ibinuko naman ni Claudine na kabi-breakup lang ni Diether sa long time girlfriend nito na si Michelle Cojuangco Barrera. Magkukuwento sana si Claudine pero pinigilan siya ni Diether.

Mapapanood na simula sa February 15 ang Bakit Manipis Ang Ulap mula sa direksyon ni Joel Lamangan. (NORA CALDERON)