Yassi graces Sports U to show everyone her workout copy

MARAMI na ang nabighani sa pagiging fit ni Yassi Pressman bukod sa galing niya sa paghataw sa dance floor. Sa panayam sa kanya ng Sports U ngayong Huwebes (Enero 21), ipapakita ng dance floor princess kung paano niya nakamit ang magandang katawan at ibabahagi ang mga sekreto para magawa rin ito ng iba.

 

Bukod kay Yassi, mai-inspire din ang mga manonood sa kuwento ni Raymond Reyes na pinilit magpapayat at maging fit pagkatapos mapagtanto na hindi ikahahaba ng kanyang buhay ang dati niyang lifestyle.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Maaantig din ang puso ng mga manonood sa mga pasyenteng may cancer sa Muntinlupa na palaban pa ring mag-Zumba sa Dyanfit segment.

 

Layon ng Sports U na ipakilala ang mga atletang may mga nakaka-inspire na kuwento at posibleng maging sports star ng bansa sa hinaharap. Itinataguyod din nito ang pagkakaroon ng fit na pangagatawan at healthy lifestyle sa pamamagitan ng pagbabahagi kung paano ito nagagawa ng mga sikat na personalidad.

 

Huwag palalampasin ang Sports U ngayong Huwebes, pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN.