ZANJOE AT BEA copy

KINUMPIRMA sa amin ng ABS-CBN insider na source namin na hiwalay na o tuluyan nang nagkanya-kanyang landas na ang dating magkasintahang sina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo.

Nagkaroon daw ng matinding komprontasyon ang dalawa bago pa man sumapit ang Kapaskuhan.

Sabi ng kausap namin, may kanya-kanyang rason sina Bea at Zanjoe kung bakit humantong sa hiwalayan ang ilang taon din naman nilang relasyon.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Matandaan na magkahiwalay nang nagbakasyon sina Bea at Zanjoe nitong nakaraang Pasko. Nagpunta sa Japan si Bea samantalang si Zanjoe naman ay nagtungo sa Europe.

Pero kahit tinapos na ng dalawa ang relasyon ay sinunod naman daw nina Bea at Zanjoe ang payo ng mga taong malapit sa kanila na iwasan ang magsalita tungkol sa hiwalayan at pati na ang pagpo-post sa Instagram accounts.

Pumutok na rin naman ang hiwalayan ng dalawa nu’ng kalagitnaan ng 2015 pero itinanggi nila iyon sa katwirang dumaraan lang daw sa pagsubok ang kanilang relasyon.

Noong panahong iyon, ang sabi nila ay sinusubukan nilang ayusin ang anumang problema nila. Pero umugong ngang muli ang balitang hiwalayan pagpasok ng Bagong Taon. Ayon pa sa aming source, may matinding dahilan si Bea kung bakit nagpasya itong tapusin ang relasyon sa actor.

Samantala, usap-usapan din sa ABS-CBN compound ang tsika na unti-unting nai-in love si John Lloyd Cruz kay Bea. Si John Lloyd daw ang naging shoulder to cry on ni Bea. Ayon pa rin sa source, mukhang may katotohanan na raw ang tsikang ito.

Shoulder to cry on? Well, sa ganyan naman talaga madalas magsimula ang love stories, di ba? (JIMI ESCALA)