Nais ng isang environmental group na ipagbawal ng Simbahan at ng mga community leader ang pagsasabit ng mga banderitas sa panahon ng pista.

Ito ay kaugnay ng mga banderitas na nakasabit sa mga kalye sa Pandacan at Tondo sa Maynila, na nagdiwang kahapon ng pista ng Santo Niño.

Ayon sa EcoWaste Coalition, hindi maaaring i-recycle o magamit muli ang mga banderitas bukod pa sa wala naman itong spiritual o functional value sa pista.

Sinabi ni Aileen Lucero, coordinator ng EcoWaste, na pagkatapos ng pista ay karaniwan nang iniiwan lang ang banderitas na nakakabit sa mga kalye at hihintaying masira ang mga ito ng bagyo o malalakas na hangin.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

Kalaunan, ang mga banderitas ay maaaring tangayin sa mga estero, drainage, dagat at ilog, na kalaunan ay nagdudulot ng baha, polusyon, at panganib sa aquatic animals, ayon pa sa grupo.

Hindi rin naman nagustuhan ng EcoWaste na makukulay na polyvinyl chloride (PVC) plastic sheets, may taglay na toxic chemicals tulad ng lead, ang ginagamit sa paggawa ng banderitas. (Mary Ann Santiago)