Jojo & Ciara copy

MAY bagong post si Ciara Sotto sa Instagram (IG) at kinumpirma na sa bahay ng parents niya sa White Plains na uli siya nakatira after umalis sa bahay ng asawa niyang si Jojo Oconer.

Post ni Ciara: “These past weeks have been very difficult for me and my son. It’s true that I moved out of our home and decided to go back to my parents’ house for now. The truth is painful, but it is what it is. I know that the Lord will strengthen me after this. I prefer to keep my privacy at this time & I would appreciate the public respecting this. Thank you to those who are sending me messages of support and encouragement.”

Sa post na ito ni Ciara, ibig sabihin, hindi na siya magpo-post na may kinalaman sa family problem nila ng kanyang asawa. Hindi na rin natin malalaman kung may katotohanan ang umiikot na balita na may third party sa kanilang dalawa.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Samantala, wala pang reaction ang aktres na itinuturong third party sa hiwalayan nina Ciara at mister na si Jojo.

Ang manager ng naturang aktres daw ang nag-deny, pero ang aktres mismo ay nananatiling tahimik kahit ginigiyera na siya ng fans sa kanyang Instagram account at tinawag na homewrecker at iba pang negative adjective. (NITZ MIRALLES)