EDGAR-Allan-Guzman_OPTIONAL copy

NGAYONG gabi na gaganapin ang first major concert ni Edgar Allan Guzman sa Music Museum, Greenhills na may titulong #AlwaysEA, na co-produced ng aming kasamahan sa panulat na si Julie Bonifacio na nagsabi sa amin na asahan na ang maraming sorpresa.

Sa nasabing concert unang mapapanood si Edgar Allan na magsi-sing and dance na lingid sa ating kaalaman ay matagal na niyang passion. Kasabay ng kanyang single na Ipapadama Ko, masasabing tamang panahon na para kay Edgar Allan na magkaroon ng concert.

In fairness, napanood namin ang guesting ni Edgar Allan sa Umagang Kayganda at sinampulan niya ang madlang pipol kung paano siya sumayaw at kumanta, sabay anyaya na masusulit ang bayad sa gabing ito.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Balita kasing isa sa mga sorpresa ay ang kanyang sexy dance number. 

Makakasama ni Edgar Allan sa #Always EA sina Michael Pangilinan, Joross Gamboa, Hannah Nolasco, Zyrus Imperial, ang kaibigan niyang si Gerald Anderson at isa raw na very special guest.

Sino kaya ito, girl na special sa kanyang puso?

Ang hula namin ay si Alex Gonzaga ito na magiging leading lady niya sa upcoming Star Cinema film na I’d Never Get Over You na ididirek ni Enrico Santos. (ADOR SALUTA)