GUATEMALA CITY (AP) — Hindi pinayagan ng hukom na makaalis sa bansa ang anak ng dating presidente ng Guatemala dahil sa pagkakasangkot din nito sa mga krimen.

Ayon sa prosekusyon, ilegal na ginastos ni Otto Perez Leal ang pera ng gobyerno upang sustentuhan ang muli niyang pagkandidato sa pagkaalkalde ng Mixco City. Natalo siya sa eleksiyon at naalis ang kanyang immunity sa prosekusyon nang magtapos ang kanyang termino nitong Biyernes.

Siya ang anak ni Otto Perez Molina, na nagbitiw bilang pangulo noong Setyembre matapos magprotesta ang libu-libong Guatemalan dahil sa pagiging kurakot umano ng kanyang administrasyon. Matapos niyang magbitiw, siya ay inaresto at ikinulong.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'