WASHINGTON (Reuters) — Tinapos ni President Barrack Obama ang kanyang huling State of the Union address sa malakas na pahayag ng kumpiyansa sa kinabukasan ng United States.

“I believe in change because I believe in you,” sabi ni Obama sa kanyang closing remarks, na umani ng standing ovation. “That’s why I stand here as confident as I have ever been that the State of our Union is strong.”

Tumanggap si Obama ng halos isandosenang standing ovation sa kabuuan ng kanyang talumpati.

Ilang tagpo ang umani ng malalakas na palakpakan mula sa Democratic side ng chamber. Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga pahayag ni Obama na: gawing abot-kaya ang kolehiyo; ang food stamps ay hindi nagiging sanhi ng financial crisis; ang pagkuha ni Biden ng mga bagong pondo para sa National Institutes of Health; ang mga natamo ng anyang administrasyon sa clean energy; ang Islamic State ay hindi kumakatawan sa isa sa pinakamalaking relihiyon sa mundo; ang kanyang hiling na bagong authorization para gamitin ang puwersa ng militar; ang malaman ng mga terorista na ang mga Amerikano ay may mahabang gunita at walang limitasyon ang naabot ng U.S. at ang kanyang pahayag na “we are on track to end the scourge of HIV/AIDS.”

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina