Isang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang inaresto ng pulisya matapos siyang maispatan habang sakay ng isang umano’y ninakaw na motorsiklo sa Delpan Bridge, Binondo, Manila.

Nagpapatrulya ang mga tauhan ng Meisic Police Station 11 sa Muelle de la Industria Street nang maispatan nilang gamit ni Petty Officer 3 Joebert Belaca-ol, 35, ang isang Suzuki Raider R150 na may plate number 4934.

Lumitaw sa record ng Manila Police District (MPD)-Anti Carnapping Unit na ninakaw ang Suzuki Raider sa lehitimong may-ari nitong Enero 4, 2016.

Ayon kay Supt. Romeo Juan Macapaz, hepe ng MPD Station 11, nabawi rin sa pangangalaga ni Belaca-ol ang isang .9mm pistol na may 20 bala. (Jenny F. Manongdo)

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary