Maria, Baby Letizia at Dingdong copy

INI-ENJOY ng mag-asawang Dingdong at Marian Dantes ang pag-aalaga sa kanilang anak na si Baby Letizia, habang pareho pa silang walang trabaho.  

Nag-post si Dingdong sa kanyang Instagram (IG) account noong New Year na naroroon sila sa paborito nilang pinupuntahang lugar sa Tagaytay. Madalas ding ang bahay nila sa Makati ang nagiging venue para magsasama-sama ang buong pamilya nina Dingdong at Marian, at mga kaibigan nila.  

Sa IG post nga ni Dingdong na kuha sa post-Christmas family reunion nila, kita na ang laki-laki ng pamilya Dantes at Gonzales. Ang gathering nila noong Sunday, tinawag ni Dingdong na #BoodleSunday dahil inilatag nila sa isang mahabang dining table ang napakaraming pagkain, ibig sabihin, wala munang diet.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Pero ang laging center ng mga pagtitipon ay ang new baby sa pamilya, si Baby Letizia na lagi raw naka-smile tuwing may lumalapit. Hindi kaya mahirapan lalong bumalik sa trabaho si Marian? Balita kasing by February, babalik na muli siya sa work.

Miss na miss na raw siya ng DongYans (fans nila ni Dingdong). Simula kasi nang magbuntis si Marian, napapanood lamang siyang mag-guest sa mga shows ng GMA-7 at sa comedy-variety show na Sunday Pinasaya, then a week na lamang bago siya nagsilang kay Baby Letizia pansamantalang umalis, with a promise na kapag puwede na siyang magtrabaho muli ay babalik siya agad.

With Dingdong, busy pa rin siya sa work niya as commissioner-at-large ng National Youth Commission (NYC). Wala pa siyang sinasabing bagong project na gagawin sa GMA dahil katatapos lamang niyang mag-host ng reality artista search na Starstruck 6.

Puwede kayang sa pagbabalik ni Marian sa work, matuloy na ang wish ng DongYans na pagtambalin na sila uli ni Dingdong sa isang drama series? Four years ago pa ang huli nilang pagtatambal, sa My Beloved. (NORA CALDERON)