Ni Angie Oredo

Ilalaan muli ng Condura Skyway Marathon 2016 Run for a Hero ang pondong malilikom sa HERO (Help Educate and Rear Orphans) Foundation na nagbibigay tulong pinansiyal sa mga anak at pamilya ng mga sundalong namatay o nagtamo ng kapansanan habang tumutupad sa tungkulin.

Inaasahang hihigit sa 15,000 mananakbo ang lalahok sa event na lalarga sa ika-7 ng Pebrero.

Mag-uumpisa ang benefit race na ito ganap na alas-12 ng medaling-araw sa Filinvest City, Alabang.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nagbigay ng P1 milyon noong nakaraang taon ang Condura sa HERO Foundation at umaasang matatapatan ito kung hindi man mahihigitan ngayong taon.

Para sa mga nais sumali o makatulong, maaaring magrehistro online sa www.conduramarathon.com gamit ang prepaid card na mabibili sa mga susumunod na outlet ng ASICS: Greenbelt 3 sa Makati City, Bonifacio High Street sa Taguig City, Trinoma Mall sa Quezon City; Centrio Mall sa Cagayan de Oro City; Ayala Fairveiw Terraces sa Quezon City, at Ayala Center sa Cebu City.

Ang entry fee ay P900 para sa 6K race, P1,000 para sa 10K, P1,700 para sa 21K at P2,000 para sa 42K full marathon.

Maaaring mamili ang mga lalahok kung saan nila gustong ma-pick up ang kanilang race kits sa mga ASICS store mula Enero 31 hanggang Pebrero 5, 2016.

Kabilang na sa mga race kits ang mga sumusunod: runner’s race bib, timing chip at ang official Condura Skyway Marathon running shirt.

Mabibili naman ang mga prepaid cards hanggang Enero 17 at ang registration ay magsasara sa Enero 24.

Ang lahat ng runners na makapagtapos ay tatanggap ng finisher’s medal habang ang mga finishers sa 42K at 21K ay makakakuha rin ng special finisher’s shirt.

Ang karerang ito ay itatakbo sa pakikipagtulungan sa ASICS at suportado ng Summit Natural Drinking Water, Gatorade, Filinvest City Alabang, Inc., LTime Studio, Blue Ant, Salonpas, GoPro, Urban Ashram at The Bellevue Manila

Para sa kumpletong detalye, bumisita sa www.conduramarathon.com.