Naghain ng panukalabang batas si Buhay Party-list Rep. Lito Atienza na nagbabawal sa pagpapalit ng pangalan ng mga kalye na ipinangalan sa mga Pilipino na nagbigay ng karangalan sa bansa.

Layunin ng House Bill 5999 na mapangalagaan ang kahalagahan ng kasaysayan ng mga Pilipino sa lipunan, at mapanatili ang kanilang alaala para sa susunod na henerasyon.

Iginiit ni Atienza na hindi tama ang kinagagawian ng mga miyembro ng Kamara na ipangalan ang mga lansangan o daan sa kanilang mga benefactor o tagapagtaguyod at maging sa kanilang mga kamag-anak.

“There have been roads named after Filipinos who have contributed much to Philippine history and culture that have been changed without a second thought,” ani Atienza. (Bert de Guzman)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'