Liv copy

WALA pang isang taon ang kanyang anak na si Sailor Gardner, at ngayon ay buntis na uli si Liv Tyler. Ibinahagi ni Tyler sa Instagram ang kanyang isang litrato at inihayag na siya ay buntis na uli.

“Oh my goodness it seems the stork is visiting us again!!!!” pahayag niya. “I am growing another little Tyler-Gardner in my belly. Our family is growing!!! So grateful.”

Masayang inihayag ni Tyler, may 11 taong gulang na panganay -- si Milo na anak nila ng dating asawang si Royston Langdon, na siya ay buntis kay Sailor noong Setyembre 2014. Ang ama ni Royston at ng kasalukuyan niyang ipinagbubuntis ay ang kanyang fiancé na si David Gardner. Ipinanganak si Sailor Gardner noong Pebrero 11, 2015.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Inihayag ni Tyler ang kanyang pagbubuntis habang nagbabakasyon kasama ang pamilya. Nitong Martes, ibinahagi ni Tyler ang litrato ni Sailor, 11 months, habang natutulog sa balikat ni Gardner. (Yahoo News/Celebrity)