Kylie copy

BAGAMAT si Kylie Jenner ang pinakabata sa pamilya Kardashian-Jenner, siya naman ang pinakamapangahas sa magkakapatid.

Sa isang video na kanyang ibinahagi sa Snapchat nitong Huwebes, makikita ang 18 taong gulang na reality star na gumagamit ang E-cigarette at bumubuga ng usok na kanyang pinabibilog sa bibig habang nakasakay sa sasakyan ng kanyang kaibigang si Jordyn Woods.

Habang ang nakatatandang kapatid na si Khloe ay kasalukuyang nagpapatanggal ng tattoo sa likod, si Kylie naman ay nagsisimulang mapatinta sa katawan. Nitong Nobyembre, si Kylie, na may tattoo na sa kanyang braso, ay nagbahagi ng maikling video sa Snapchat upang ipakita ang kanyang bagong tattoo sa labi. Noong Setyembre, isiniwalat din ng brunette beauty na marami siyang butas sa tenga, at noong Abril, nagpahiwatig siya na nagpabutas din siya sa kanyang nipple at ipinahayag na, “New jewelry in other secret areas.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Hindi ikinatatakot ni Kylie ang kanyang pagiging pasaway. Naging laman ng headline si Kylie nang ibahagi niya ang isang video sa Snapchat noong Abril na pinaglaruan niya ang kanyang kapatid na si Kendall nang hilain niya pababa ang pantaloon nito. (The Insider)