PLEASE CROP Mohammed copy

MAY problema na namang kinakaharap ang The Real Housewives of Beverly Hills star na si Yolanda Foster sa kanyang dating asawa na si Mohamed Hadid, ang luxury real estate developer na ama nina Gigi, Bella, at Anwar Hadid.

Sinampahan ng kaso si Mohamed kaugnay sa pagpapatayo ng malaking bahay sa Bel Air sa Los Angeles, kabilang ang alegasyon sa illegal na paggamit ng lupa, pagpapatayo ng imprastruktura na walang permit, at ang hindi pagsunod sa patakaran ng Los Angeles Department kaugnay sa pagpapatayo at kaligtasan. Dahil sa pagkakasangkot sa mga nasabing reklamo, maaaring makulong si Mohamed ng mahigit sa isang taon.

Ito ang pinakabagong pasabog kay Foster, na nananatiling kaibigan ang dating asawa. Naging bukas ang RHOBH star tungkol sa kanyang pakikipaglaban sa Lyme disease at pakikipaghiwalay niya sa dating asawa na si David Foster.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

(The Insider)