Makapagsanay sa Estados Unidos o sa Cuba, magkaroon ng sparring laban sa mga local professional boxers at Australian boxers ang ilan sa mga binabalak ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) para sa kanilang paghahanda sa Rio Olympic Qualifiers.

Kung magkakaroon ng sapat na gastusin at panahon, magpapadala ang ABAP ng mga Olympic candidates alinman sa US o Cuba para dumalo sa isang international camp.

Sa kanyang panayam sa Sports Radio, inihayag ni ABAP Executive Director Ed Picson na ang nasabing international training ay isa sa mga pinagpipilian ng coaching staff kung saan maaaring makipag-spar ang mga Pinoy boxers na hindi mai-scout ng kanilang mga posibleng makakatunggali.

Posible aniya, ayon kay Picson, na magsagawa sila ng international training sa susunod na buwan para sakto sa idaraos na Asia Oceania Qualifier kapwa para sa men at women’s division sa China sa Marso.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Isa pa umanong option ayon kay Picson ang pakikipag-spar ng mga ABAP boxers sa ilan sa ating mga local professionals, na ihihingi nila ng permiso sa Aiba o International Boxing Federation.

Ngunit kung hindi matuloy ang plano, nakakasiguro nang magkakaroon ng international training ang mga national boxers dahil sa gagawing pagbisita ng Australian men at women teams sa pagtatapos ng buwan hanggang sa unang lingo ng Pebrero.

Pinabalik na sa kanilang training ang mga national boxers kahapon-Enero 9 sa Baguio City.

Bukod sa nakatakdang qualifying tournament sa China sa Marso, ang iba pang mga qualifying meets para sa Rio sa boxing ay ang World Women Championships at joint AIBA Pro Boxing –World Series of Boxing sa Mayo , and the Final AIBA Open Boxing sa Hunyo sa Azerbaijan.

Kabilang sa mga boxers ng ABAP na nagtatangkang mag-qualify sa Rio Games ay sina Eumir Felix Marcial, Rogen Ladon,Mark Anthony Bariga , Ian Clark Bautista, Mario Fernandez, Charlie Suarez, Nesthy Petecio, Josie Gabuco,at Irish Magno.