Bea & Lloydie copy

UMUULAN pa rin ng direct messages (DM) ang aming Facebook account dahil sa isyung hiwalayan nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo buhat nang ilabas namin ang litrato ng dalawa kuha sa post holidays dinner kasama si Enchong Dee at ang handler nilang si Monch Novales.

Agad kasi itong kinontra ng loyalistang fans ni Bea dahil hiwalay na raw talaga ang dalawa.

May nagkuwento nang si Zanjoe ang may ibang karelasyon kaya matagal na silang hiwalay, pero napanatili ang maayos na samahan kaya hindi halata.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Ang bago, may ibang maka-Zanjoe na nagsasabing baka nitong nakaraang Disyembre lang nagkaroon ng problema at hindi totoong matagal na.

Narito ang eksaktong sagutan namin sa DM ng taong kumontak sa amin.

“Hi, Ma’am Reggee, regarding po sa kumakalat diumano na breakup nina Zanjoe at Bea at ang diumano na naging dahilan, eh, si JLC (John Lloyd Cruz) at nagsasabi ng mga kasinungalian kay Zanjoe.

“Kilala ko po kung sino ang nagkakalat ng balita, siya rin po ang gumagawa ng dummy accounts at nagko-comment ng masasakit na salita kay Ms. Monch Novales sa Instagram na naging dahilan upang i-deactivate niya ito.

“Isa siyang JLC-Bea fan na dating member lang sa side ni Bea, na tinanggal dahil sa sama ng ugali. Sabihin n’yo lang po sa akin kung gusto n’yo makita ang account niya dito sa FB at mga posts niya may ebidensya rin po ako na siya mismo nagsabi na sa kanya ang mga pekeng accounts.”

Hindi namin ilalabas ang pangalan ng aming kausap bilang proteksiyon din niya.

Binanggit sa amin ng aming kausap kung sino ang tinutukoy niyang JLC-Bea fan. Sinisiraan daw nito ang samahang Zanjoe-Bea dahil ang gusto nitong makatuluyan ng dalaga ay si Lloydie.

Tinanong namin siya kung totoong matagal nang hiwalay sina Zanjoe at Bea.

“Ang alam po namin hindi naman, kasi may post si Z (Zanjoe) nu’ng Dec 24, nag-thank you siya kay Bea sa ibinigay niyang Fuji Film camera. Dinelete lang ni Z ‘yung post dahil ang daming nega comments, isa na nga ‘yung _____ (JLC-Bea fan) at ang mga dummy accounts niya.”

Dagdag pa niya, “Si Ms. Monch din po hinihintay namin magsalita kaso mukhang matatagalan pa dahil nasa Japan na sila.”

Siniraan din daw ng nasabing JLC-Bea fan ang aktres.

“Ang ayaw lang po namin parang pinapalabas ng fan na iyon na nag-two time si Bea, idinadamay pa niya sina Monch, Enchong, JLC at Angelica.”

Ayon pa sa kausap namin, “Spotted pa po sila (Zanjoe at Bea) nu’ng November magkasunod na Sunday sa Little Tokyo (Makati) at sa isang mall together. Nu’ng birthday po ni Zanjoe last July magkasama sila nag-celebrate pag-uwi galing London sa bahay ni Z sa Valle Verde (Pasig City).”

Nabanggit namin sa aming kausap ang isyu na nagsimula ang problema nina Zanjoe at Bea habang sino-shoot ang pelikulang Love Affair (co-star ni Bea sina Richard Gomez at Dawn Zulueta) na ipinalabas noong Agosto.

Depensa ng aming kausap, “After ng showing ng Love Affair nag-Bohol pa po sila (Bea at Zanjoe) with their friends.

Tingin po namin ‘yung problema nitong December lang.”

Bagamat may problema ang dalawa ay magkasama naman daw ang mga ito sa ABS-CBN Christmas Special at pagkatapos ay inihatid raw ni Zanjoe si Bea sa bahay nito sa Quezon City.

Dagdag pa ng aming kausap, “May tag picture po si Zanjoe kay Bea sa Instagram niya ‘yung picture ‘bash’ na kuha sa London nitong December at nag-comment pa si Bea sa post ni Zanjoe sa video na welcome daw at enjoy siya doon.”

Dito nagtapos ang usapan namin, pero nakasisiguro kami na sasagot ulit ang JLC-Bea supporters sa isyung ito.

(REGGEE BONOAN)