SAME SEX MARRIAGE_CPD_01_GANZON_060116 (for Page 4) copy

Patuloy ang pagdami ng sumusuporta sa same-sex marriage, o pagpapakasal ng may magkatulad na kasarian, sa Pilipinas sa nakalipas na mga panahon.

Ito ang paniniwala ni Rev. Crescencio Agbayani, ng LGBT (Lesbians, Gays, Bisexuals, and Transgenders) Christian Church sa Quezon City, na rito ay maraming bading na magsing-irog ang sumasailalim sa tinatawag na “holy union ceremony” sa pagitan ng dalawang babae o dalawang lalaki.

Ikinatuwa ng LGBT community ang suportang natatanggap nila mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan, lalo na mula sa Liberal Party vice presidential bet na si Rep. Leni Robredo.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

Ilang beses inihayag ng Camarines Sur congresswoman sa publiko na dapat mas maging maluwag ang mamamayan sa pagtanggap sa same-sex marriage.

Isinawalat din ni Agbayani na hindi lamang sa Metro Manila umaani ng suporta ang “holy union ceremony” kundi sa iba’t ibang lalawigan, na bukas ang isipan ng mga residente sa naturang usapin.

“Ngayon ay dalawang babae ang ikinasal ko sa Bayambang, Pangasinan. Sa Sabado naman ay lilipad ako patungong Cebu para sa isa pang seremonya,” ani Agbayani.

Sa kasalukuyan, hindi kinikilala ng gobyerno ang same-sex marriage, ngunit hindi ito nagiging sagabal sa mga magkasintahang miyembro ng LGBT na makapag-isang dibdib sa ‘tila kasal na seremonya. (SOL VANZI)