IMG_8311 copy

HINDI nagustuhan ni Pauleen Luna ang pagre-report ng TV Patrol sa petsa at venue ng kasal nila ni Vic Sotto.

Mula nang ipaalam na magpapakasal sila at makumpirma ang petsa at venue, nakiusap ang mga ikakasal na huwag nang isulat ang wedding date at venue dahil gusto nilang maging private ang kanilang kasal.

Nangako sina Vic at Pauleen na magsi-share ng details sa tamang panahon at mauuna siyempre sa Eat Bulaga. Pero na-outscope ng TV Patrol ang announcement ng mga ikakasal dahil ini-report na nga ng news program ng ABS-CBN ang petsa at venue nito.

Lifehacks

Feeling tagapagmana ng kompanya? Ilang tips para hindi 'overworked' sa trabaho

Sa Facebook naglabas ng disappointment si Pauleen at sabi niya, “Dead ABS-CBN, Thank you SO much for revealing all the details about our wedding. Thank you SO much for mentioning even the date and the venue. Thank you because now we’re finally going to achieve the exclusivity that we want! And last but not the least, thank you SO much for asking us if it’s okay to report about it.”

As we go to press, wala pang reaction si Vic sa isyung ito. Siguradong masusundan ng paglabas ng ibang detalye sa kasal ang pagre-report ng TV Patrol, maganda siguro kung i-report na sa Eat...Bulaga ang mga detalye, gaya nang ipinangako ng mga ikakasal. (NITZ MIRALLES)