CAMILING, Tarlac - Naglunsad ng malawakang manhunt ang mga operatiba ng Camiling Police laban sa houseboy ng isang ehekutibo ng Pacific Boysen Paint-Philippines, na tumangay sa P200,000 cash, mga alahas at laptop computer ng kanyang amo sa Barangay Sinilian 3rd sa Camiling, Tarlac.

Kinilala ni PO2 Jonathan Juanica ang suspek na si Benedict Fangon, 18, binata, kasambahay ni Delfin Villamil, 35, marketing executive ng Pacific Boysen Paint-Philippines, at residente ng nabanggit na lugar.

Napag-alaman na natangay umano ni Fangon ang mahigit P200,000 cash money, dalawang Saudi gold bracelet na nagkakahalaga ng P70,000, gintong kuwintas (P40,000), at iba’t ibang relo (P30,000), at isang Asus laptop computer (P15,000).

Sa pagsisiyasat ng pulisya, umalis ang pamilya ni Villamil para dumalo sa isang kasalan sa Camiling at sinamantala umano ito ni Fangon. (Leandro Alborote)

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae