Target ng National Food Authority (NFA) na mag-angkat ng karagdagang bigas mula sa Vietnam at Thailand upang magkaroon ng sapat na supply ng bigas ang bansa ngayong taon.

Sa kabila ng mas maraming imbak na bigas sa kasalukuyan sa iba’t ibang bahagi ng bansa at sa Caraga region, binabalak ito ng NFA sa layuning magkaroon ng sapat na imbak sa panahon ng kalamidad na maaaring tumama sa bansa ngayong taon.

Ayon kay NFA Administrator Renan B. Dalisay, binabalak ng ahensiya na mag-angkat ng 50,000 toneladang bigas mula sa Vietnam at Thailand. “See to it that we have enough rice in time of calamities that can immediately be dispatched to various disaster councils and local government units,” aniya.

Tiniyak ni Dalisay sa publiko na mananatili ang presyo ng NFA rice sa P27 at P32 bawat kilo. (Mike Crismundo)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji