Nagwakas ang buhay ng isang 18-anyos na dalaga makaraan siyang magbigti gamit ang pajama, sa kanilang bahay sa Barangay Burol Main 1 sa Dasmariñas City, Cavite, kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang nagpatiwakal na si Maricris Marco, estudyante, ng Block 17, Lot 7, Phase 3, ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO3 Fernando Angeles, ganap na 4:00 ng hapon nang matagpuan ang katawan ng biktima na nakabitin sa loob ng kuwarto habang nakapulupot sa leeg ang sariling pajama.

Sinasabing sumama ang loob ng dalaga matapos makagalitan ng magulang nito nang pinagbawalang lumabas ng bahay.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

(Beth Camia)