kris copy

AS of yesterday morning, mayroon nang 18,4000 likes ang picture ni Kris Aquino na ipinost sa Instagram habang naghuhugas siya ng pinggan na naka-shorts. First time nakita na naka-shorts ang Queen of All Media, marami ang natuwa at may nag-request pang uliting mag-post na naka-shorts siya.

Ang ilan sa comments na nabasa namin sa naturang picture ni Kris, sexy raw siya, makinis, sobrang puti at maganda ang legs. Nababasa ni Kris ang mga comment ng followers/fans at lalo na ng bashers niya, tiyak na naaliw siyang basahin ang reaction ng pagpo-post niya ng picture na naka-shorts siya.

Ang isa pa sa nagustuhan ng followers ni Kris sa picture, ang revelation na marunong pala siya ng mga gawaing bahay, na marunong siyang magluto at maghugas ng plato. May post din siya habang nag-aayos ng kobre kama.

Lifehacks

Feeling tagapagmana ng kompanya? Ilang tips para hindi 'overworked' sa trabaho

Hindi lang maiwasan na may mga nagmaasim pa rin at nag-react sa nabanggit ni Kris na nagbaon sila ng Joy in sachets sa bakasyon nila sa Hawaii at ‘yun pa rin ang ginagamit nila sa paghuhugas ng plato.

Bakit daw kailangang magbaon ni Kris ng Joy, marami namang dishwashing liquid doon? Nagkuripot daw si Kris at kung anu-ano pang walang kawawaang comments.

Anyway, halatang enjoy na enjoy sina Kris, Josh at Bimby sa bakasyon nila sa Hawaii. Nagkuwento siyang mababait ang mga kababayan nating Pinoy doon na nakikita niya.

Kuwento ni Kris nang magsimba sila, paglabas nila ng simbahan, marami ang naghihintay sa kanila sa labas.

“Outside, several Filipino families waited for me, they said they knew from my posts I like going to Saturday anticipated Mass, so thay had faith they’d be able to meet & have pictures. #Grateful.” (NITZ MIRALLES)