ANG ganda ng Saturday episode ng Eat Bulaga na birthday presentation ni Alden Richards. For the first time, in a long while, muling nakita na nasa iisang frame sina Vic Sotto, Pauleen Luna at Pia Guanio.

Madalas na sina Pauleen at Pia lang ang nagkakasama sa frame ‘pag sila ang nagho-host ng isang segment ng EB, never nilang nakasama si Vic. Pero last Saturday, bumulaga sa viewers ng show ang eksenang magkakasama ang hosts ng show kabilang ang tatlo.

Kahit sina Vic at Pauleen lang ang magkatabi at nasa kabilang dulo si Pia, nakakatuwa pa ring tingnan na magkakasama silang tatlo. Sana nga masundan pa ang ganu’ng eksena kahit walang may birthday sa Dabarkads.

Anyway, ipinost ni Pauleen sa kanyang Instagram (IG) ang house blessing ng bahay nila ni Vic sa may Laguna. Kahit isang parte lang ng bahay ang ipinasilip ni Pauleen, nakitang maganda ang bahay ng future couple na ikakasal na this January. --Nitz Miralles

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy