PAMILYA NINA SYLVIA AT ART_REGGEE copy

HINDI malaman ni Sylvia Sanchez kasama ang buong pamilya kung alin ang panonoorin, ang nasusunog na The Address Downtown Dubai Hotel o ang naggagandahang fireworks noong Bagong Taon sa Dubai.

Sa Dubai nagdiwang ng Bagong Taon ang pamilya Atayde at ang kuwento ng aktres, “Two hundred meters away lang hotel namin sa The Address Hotel na naususunog. So, habang nanonood kami ng fireworks ng Burj Khalifa, pinapanood din namin ang sunog.”

Sa Damac Maison Hotel Canal Views billeted ang pamilya ni Ibyang na malapit nga sa nasunog na hotel.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Natakot ba sila? “Hindi, dinasal lang namin na sana walang mga nasaktan kasi nag-start ang sunog sa 20th floor at ang building ay 63 floors, kaya do’n kami naka-concentrate na sana nakababa lahat at laking tuwa naming pamilya nang malaman namin na walang patay at 14 injured lang.

“Nakakabilib sila dito sa sobrang bilis kumilos at lahat ng mga tao sa taas ng 20th floor, eh, napalabas ng maayos, kasi pala ang mga building dito hindi puwedeng mag-operate ‘pag walang maayos na fire exit. Galing!!”

Ikalawang pagpunta na ng mag-asawang Sylvia at Art Atayde sa Dubai at first time naman ng mga anak nilang sina Arjo, Ria, Gela at Xavi na talagang amazed sa naggagandahan at nagtataasang gusali sa nasabing bansa.

Samantala, maraming celebrities din ang nagpalipas ng Bagong Taon sa Dubai pero ang nakita lang ng pamilya ni ibyang ay sina Vice Ganda at Jane Oneiza na kasama ang mga pamilya’t kaibigan. (Reggee Bonoan)