Regine Velasquez copy

NAKAKATUWA ang post ni Ogie Alcasid sa kanyang Instagram account noong isang gabi na nasa Boracay sila ni Regine Velasquez: 

“After walking on the beach we chanced upon a wedding reception and wifey decides to crash and sing, what a treat!” 

Nasa video na kinanta ni Regine ang I Will Survive habang kinukunan siya ng pictures ng maraming taong tiyak na nabigla rin nang makitang kumakanta ang Asia’s Songbird. 

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Hindi siguro ito malilimutan ng newly weds na kahit may nag-gatecrash sa reception, isa namang Regine Velasquez-Alcasid iyon at libre ang kanta!

Nasa Boracay ang pamilya nina Ogie at Regine, kasama ang anak na si Nate at ang pamilya ng dating wife ni Ogie na si Michelle van Eimeren at husband nitong si Mark Morrow kasama ang dalawang anak nina Ogie at Michelle na sina Leila at Sarah.

Dati ay sina Ogie at Regine ang pumupunta sa Australia para i-celebrate ang Holiday Seasons but this year, nag-decide silang dito naman sa Pilipinas magdiwang ng Pasko.

Pero hindi sa newly renovated house ng mag-asawa sila tumuloy kundi sa Boracay. Kitang-kita sa pictures na naka-post sa kani-kanilang IG accounts ang kasiyahan ng bawat isa sa bakasyon nila sa Boracay.