julia and miles

WALA nang sasayanging panahon sina Alfonso (Tonton Gutierrez) at Michelle (Dimples Romana) dahil magaganap na ang kanilang kasal sa And I Love You So. 

Sa kanilang pagpapakasal, maiwawasto na nila ang kanilang mga pagkakamali sa isa’t isa at makapagsisimula na ng panibagong buhay kasama ang kanilang anak na sina Joana (Miles Ocampo) at Trixie (Julia Barretto). 

Ngunit sa pagbabalik ni Katrina (Angel Aquino), sisiguraduhin ntong mararamdaman nina Alfonso at Michelle ang kanyang pagtutol sa kanyang mga inihandang sorpresa para sa dalawa. 

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Kaabang-abang ang mga plano ni Katrina laban kina Alfonso at Michelle. Sa pagsasama nila, maging maayos kaya ang takbo ng buhay nina Joana at Trixie? 

Huwag palampasin ang kuwento ng laban para sa pamilya at pagmamahal, And I Love You So, tuwing hapon sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH. (Reggee Bonoan)