BANGKOK (Reuters) — Binuweltahan ng prime minister ng Thailand ang mga nagpoprotesta sa mga lansangan ng Yangon matapos hatulan ng bitay ng isang Thai court ang dalawang Myanmar migrant worker sa pagpatay sa dalawang turistang British.

Sinabi ni Thai Prime Minister Prayuth Chan-ocha na dapat igalang ng mga kritiko ang hatol at hindi yuyuko ang Thailand justice system sa public pressure.

“They have the right to appeal, right? Laws all over the world have this. Or should Thai law not have this? Is it the case that we should release all people when pressured?” sabi ng galit na si Prayuth sa mga mamahayag habang sakay ng eroplano patungo sa southern province ng Surat Thani noong Lunes.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina