Sasha at Hudson copyNIYAYA na ang Pretty Little Liars star na si Sasha Pieterse ng kanyang longtime boyfriend na si Hudson Sheaffer na magpakasal.

Sa kanilang Instagram account, inihayag nila ang planong pagpapakasal kalakip ang magagandang proposal photographs na kinunan ng Arizona-based wedding photographers na Jonnie + Garrett.

“The best day of my life ,” caption ni Pieterse, 19. “Thank you @jonnieandgarrett for capturing the moment.”

Ibinahagi ng photographers ang colored version ng litratong ipinaskil ni Pieterse, at sinabing, “Today’s proposal in the clouds. These two are a dream.”

Wish ni Ogie Diaz kay Liza Soberano: 'Sana magising na'

Sa isa pang post na ibinahagi ni Sheaffer, 26, makikita sa litrato na nakaluhod siya sa harap ni Pieterse at ang caption ay, “She said yes,” tinukoy ang sagot sa pagyaya niya ng kasal sa kasintahan.

Lumabas din ang balita sa mismong araw na isiniwalat ng PLL showrunner na si Marlene King na ang season seven ay posibleng huling show na.

“I think that this story when we’re back will end next year at the at end of season seven,” pahayag ni King sa kanyang panayam sa Variety. - ET Online