TOM AT MEGAN copy

NGAYONG nalalapit na ang pagwawakas ng Marimar, ibinahagi ni Tom Rodriguez ang labis-labis niyang pasasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sa programa.

“Sa lahat po ng sumusuporta at walang sawang sumusubaybay sa kuwento ng pag-iibigan, paglubog at pagbangon nina Sergio at Marimar (Megan Young), maraming maraming salamat po. Para po sa inyo ang programang ito,” paghayag ni Tom.

Bukod kay Megan na naging malapit na sa kanya, hindi rin makakalimutan ni Tom ang bonding moments ng buong cast at produksiyon tuwing taping. “Napamahal na sa akin lahat ng katrabaho ko sa Marimar, kina Direk Dom (Dominic Zapata) at siyempre ang mga katrabaho kong artista. Kay Sir Cris (Villanueva) na iniidolo ko sa pagpipinta, si Dion (Ignacio) at Sir Ricardo (Cepeda) na kakulitan at kalaro ko sa mga video games, si Ashley (Cabrera) na napaka-cute at bibo at si Fulgoso na gustung-gusto kong iuwi. Basta lahat mami-miss ko talaga.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Samantala ngayong Kapaskuhan, susulitin ni Tom ang oras kasama ng kanyang pamilya. “I will celebrate Christmas with my loved ones, my family. I can’t think of any better way to recharge. Wish ko is for even more personal growth and to build and strengthen the meaningful relationships in my life.”

Sa pagpapatuloy ng Marimar, mukhang muli nang nagkakamabutihan nina Sergio at Marimar. Ngunit hindi pa rin titigil ang mag-inang sina Angelika (Jaclyn Jose) at Antonia (Lauren Young) sa paghihiganti. Magawa nga kayang protektahan ni Sergio si Marimar laban sa mga Santibañez?

Napapanood ang Marimar gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.