kris2 copy

KINUMUSTA ni Bossing DMB si Kris Aquino tungkol sa working relationship nila ni Derek Ramsay sa All You Need is Pag-ibig.

 

“Super magkasundo kami, chill lang talaga. Saka si Derek talaga, pakainin mo lang siya, kasi sila (Star Cinema production staff), nakalimutan siyang i-offer ng food, so ako ‘yung nag-offer ng food.

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

“Sabi ko, ‘You eat, I’ll order na.’ Kasi pagod na pagod, he flew in from Coron, naglaro siya ng golf sa Sta. Elena, four hours na nag-drive para umabot diyan sa revolving restaurant, ‘tapos nu’ng dumating siya sinabi ‘yun ‘yung standby area kasi kinukunan ako, ‘tapos sabi niya hindi raw siya in-offer ng food, eh, di ba tayo may topak sa food talaga.

 

“‘Tapos sinabi niya, punta na lang daw siya sa car niya, kaya tumayo ako talaga, sabi ko what do you want, you order. O, ‘yun happy na siya. ‘Tapos ang sweet, ‘tapos he had the best intention, I’m sure sikat ‘yung artist na ‘yun, mayroon siyang painting na binigay at pinakita niya sa akin at sabi niya, ‘That’s my gift for you’, eh, ang lungkut-lungkot nu’ng babae.

 

“Sabi ko, ‘Derek, you suppose to give me a happy girl kasi if you give me someone sad, for the rest of my life magiging sad. Sabi ko, ‘Ano ‘yan Freudian slip, ‘yan ang feeling mo tungkol sa akin, I’m sad’.

 

“So sabi ko, no! Ang gawin mo na lang, gusto ko ng sketch doon sa scene natin na hubad ka sa Coron, for the movie na lang, hanap tayo ng artist. In my new house sa powder room ko, ‘yun ang naka-display para lahat ng pupunta, ‘ohhh...’ (sabay tawa), ganda ng concept ko. ‘Tapos sabi niya, ‘Are you serious? Are you sure?’ Sabi ko, ‘Yes, because it has meaning’. Kasi doon kami nagkakilala sa movie (naked si Derek),” humahalakhak na kuwento ni Kris.

 

Matatandaang sinulat namin kamakailan na cute ang nangyari sa eksenang nagkita sina Kris at Derek sa kubo. Hindi lang namin idinetalye na hubot’ hubad ang aktor dahil bilin ng source namin sa Star Cinema.

 

Nabanggit ni Kris na iyon ang unang eksena nila ni Derek sa Coron, kaya ang saya-saya raw.

 

Hirit ni Bossing DMB kay Kris, ‘Masaya ka ba talaga o malungkot?’

 

“I’m okay, I don’t want to claim I’m happy, but okay is good place to be in,” sagot ni Kris.

Naikuwento rin ni Kris ang pagsita sa kanya ni Bimby habang ginagawa ang All You Need is Pag-ibig dahil nangako raw siya na lagi itong babantayan kapag nasa shoot, pero dalawang beses lang niya itong nagawa kasi nga nagkasakit siya.

Naitanong ng isang katoto ang tungkol sa pagiging magulang ni Kris -- at ganoon din ni James Yap, at aniya kahit sinong magulang ay isasakripisyo ang lahat para sa kanilang anak.

 

“I can only go so much. Kasi, alangan namang kaladkarin ko pa or ako pa ang mamilit, di ba? Kung hindi naman magkukusa, tantanan na rin ako. Huwag n’yong palabasin na ako ‘yung bad kung ikaw mismo, wala ka namang ginagawa. It takes two,” sabi ni Krissy.

 

Struggle ba sa parte ni Kris ang ganitong senaryo kapag anak na nila ang involved?

 

“It’s not really struggle because I know, hindi ako nagkukulang. I think it’s his struggle because maybe, he’s still not really prepared to take on the responsibilities on parenting,” mabilis niyang sagot.

 

Kaya pinuri ni Kris si Derek na dapat ay may taping sila sa KrisTV noong Linggo para sa promo ng All You Need is Pag-Ibig, pero nag-beg-off ang aktor dahil susunduin nito sa airport ang anak na darating galing Dubai.

 

“So, ‘pag nakikita mo ‘yung ganu’n, mapi-feel mo, di ba? At ‘yun, di ba, nag-DNA pa and everything. Pero may ginagawa. ‘Tapos, babalikan ko ‘yung nakaraan, ha? ‘Yung naka-short lived relationship ko (QC Mayor Herbert Bautista) na prinayoritays ang mga anak. O, possible ‘yun, eh. So, parang ang feeling ko, bakit sa anak ko, hindi ginagawa?”

 

May nagtanong, paano kung humingi ng oras si James para sa anak?

“He doesn’t have to ask for time. Pumunta ka lang sa school. There’s no rule that says huwag kang magsundo. Never.

Walang humaharang sa ‘yo na daanan mo, mag-drive-thru kayo,” sagot ni Kris.

“’Eto lang, ha? Kung ‘yung yaya nga kinat-short ang honeymoon dahil alam na alam na ganu’n ka-heartbroken (si Bimby), na buong mundo alam kung gaano ang iniyak ni Bimb, lahat naki-cry sa amin, he never even called to check on the kid.

“So, parang minsan, naiirita talaga ako na palalabasin nila na ako ang may problema. Hindi po ako ‘yun. Kasi parang ginagampanan ko lahat at hindi ko hinaharangan. Ang problema lang siguro is hindi ko naman kayang pilitin.”

Pinuri naman ni Kris ang girlfriend ni James na si Michela Cazzola.

 

“I like her from the start because, number one, she made the effort na magluto ng carbonarang gusto; second, nag-research siya ng masarap na pizza; third, everytime na nagkikita sila, mayroon siyang mga (dala) not just for Bimb but also for Kuya (Joshua). Di ba? Hello! Mas bongga pa nga siya! Sa totoo lang, di ba, ‘pag mabait sa anak mo, if good sa child mo, you’re so happy,” pagtatapat ni Kris.

Tinanong si Kris kung ano maaaring gawin ni James para makabawi sa anak.

 “Magpa-block screening siya,” mabilis na sabi niya na ikinaaliw ng mga katoto.