Isinama ng Boxing Writers Association of America (BWAA) bilang nominado para sa Muhammad Ali-Joe Frazier award Fight of the Year ang labanan nina Donito “The Filipino Flash” Donaire Jr., at Cesar Juarez noong Disyembre 11 sa Puerto Rico.
Magugunitang, tinalo ni Donaire si Juarez sa 11-round unanimous decision na naging dahilan upang mabawi ng una ang WBO Super bantamweight title.
Idinadaos ng BWAA ang taunang parangal kung saan kinikilala nito ang mga pinakamagagaling na fighter, pinakamagandang laban, trainers at iba pang pagkilala.
Ang iba pang nominado para sa Fight of the Year ay sina Lucas Matthysee vs. Ruslan Provodnikov, Krzysztof Glowacki vs. Marco Huck, Francisco Vargas vs. Takashi Miura, Leo Santa Cruz vs. Abner Mares Andrzej Fonfara vs. Nathan Cleverly. (Abs-Cbn Sports)