Gigi at Zayn_edited copy

IBINAHAGI ng dating miyembro ng One Direction ang litrato nila ng kanyang rumored girlfriend na si Gigi Hadid sa Instagram. Hindi nilagyan ni Zayn ng caption ang nasabing litrato, ngunit sabi nga, “a picture is worth a thousand words” — lalo na’t nakayakap sa kanya ang modelo.

Unang kumalat ang usap-usapan na may relasyon sila noong Nobyembre, nang buwan ding kumalat ang balita na naghiwalay sila ni Joe Jonas at tinapos naman ni Zayn ang kanyang two-year engagement sa Little Mix singer na si Perrie Edwards noong Agosto.

“There’s just no need to be judgmental about situations that are not your own. Let live,” tweet ng 20 taong gulang na Victoria’s Secret model — at binura niya ito — dahil sa kumalat na espekulasyon tungkol sa kanila ni Zayn. “For whatever reason in whatever timing. And sometimes it doesn’t make sense til it does. That’s it.” ET Online
BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas