Pia copy copy

HINDI inalintana ang network war, sa halip ay humingi ng tulong si Miss Philippines Pia Alonzo Wurtzbach sa AlDub Nation para sa mas malaking tsansa na manalo sa 2015 Miss Universe beauty pageant na nakatakdang idaos bukas sa Las Vegas, Nevada.

“Puwede ko po bang mahingi ang tulong n’yo para sa laban ko sa Miss Universe? :)

“May online voting po sa mismong final night. Yung votes n’yo po papasok habang ako po ang naglalakad sa stage. Real time po ‘yung votes. You can watch the pageant thru online streaming or cable TV. Delayed telecast po kasi sa ABS CBN at hindi po papasok ang votes kapag tapos na po akong maglakad. Check the link on my bio for details of voting.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

:)” pahayag ni Pia sa kanyang Instagram account.

Nang mabasa ng kanyang followers, agad nagpahayag ng suporta sa Filipino-German beauty queen ang kanyang mga tagahanga at nangakong iboboto siya.

Mapapanood bukas sa ABS-CBN ang 2015Miss Universe beauty contest sa ganap na 8:30 ng umaga ngunit ito ay delayed ng 30 minuto.

Maging ang Eat Bulaga co-hosts na sina Paolo Ballesteros at Pauleen Luna ay nakiusap sa libu-libong miyembro ng AlDub Nation na suportahan si Pia sa pageant.

Malapit na magkaibigan sina Pia at Pauleen Luna. Pareho silang nagsimula bilang Magic Circle stars ng ABS-CBN ngunit lumipat si Pauleen sa GMA-7.

Parte ng wedding entourage ng kasal nina Pauleen at Vic Sotto si Pia sa January 2016. (ROB ERT REQUINTINA)