0105MATTEO copy

KAHIT nasa Italy si Matteo Guidicelli at nagti-taping ng Dolce Amore, naintriga pa rin. Diumano’y nag-flirt siya sa isang girl na nagpi-flirt din sa kanya at nakarating sa bansa ang tsika at malamang, nakarating na rin kay Sarah Geronimo, kaya nag-tweet at itinanggi ang tsismis.

Tweet ni Matteo, “Good morning from Italy. Just want to put this out there, don’t believe everything you read. Don’t be making up stories on your mind. You may not know what the reality of the situation is. So guys, chill out and stay cool. Good vibes!!!” at “Everyone should speak their minds, but let’s put some sense in what we say. Thanks have a good day!”

May fans sila ni Sarah na naniniwalang hindi na dapat nag-comment si Matteo lalo na kung hindi totoo dahil lalaki lang ang isyu. Pero may nagsabi namang dapat lang niyang linawin ang tsismis kaysa naman maunang makarating kay Sarah at kay Mommy Divine.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sagot din ito ni Matteo sa basher niya na inaakusahang ginagamit lang si Sarah para sa sariling career. But in fairness kay Matteo, bago pa maging sila ni Sarah, may career na at may pangalan na rin siya.

Anyway, hindi pa alam kung ano ang role ni Matteo sa Dolce Amore na isa sa panlabang teleserye ng ABS-CBN next year. (Nitz Miralles)