Gabby and Carla 2 copy

ANG kaguwapuhan at pagiging bagay nila ni Carla Abellana sa Because of You ang ilan sa comments na nababasa namin sa Instagram account ni Gabby Concepcion. Totoo naman kasi, hindi tumatanda ang aktor at kahit kanino ipareha at sinong leading lady, nagsaswak sa kanya.

Tama ang sinabi niya sa presscon ng Because of You na wala sa edad ang paglabas ng chemistry sa kapareha dahil ‘pag may chemistry ka sa leading lady, lalabas talaga. Ang nag-uumapaw na chemistry nila ni Carla ang napapansin ng viewers sa rom-com series ng GMA-7.

Napupuri ng production staff ng rom-com series si Gabby dahil kahit nagsusuka at masakit ang tiyan, itinuloy pa rin ang taping niya last Friday. Tinapos niya ang mga eksena , saka umuwi, kaya bumilib ang co-stars niya sa kanyang pagiging propesyonal.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sayang pala at hindi napanood ni Gabby ang anak na si Garie Concepcion (anak niya kay Grace Ibuna) na guest sa concert ni Michael Pangilinan. Magiging proud si Gabby dahil magaling kumanta ang anak. (Nitz Miralles)